503 PCG personnel, positibo sa COVID-19

Pumalo na sa 500 ang bilang ng tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagpositibo COVID-19.

Sa datos hanggang July 25, 77 ang bagong naitalang kaso ng nakakahawang sakit.

Dahil dito, umabot na sa 503 ang kabuuang bilang ng PCG personnel na tinamaan ng pandemya.

Sa nasabing bilang, 248 ang aktibong kaso.

Samantala, nasa 96 naman ang bagong napaulat na gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, nasa kabuuang 255 na ang total recoveries sa hanay ng PCG.

Read more...