Ayon kay Go, napapanahon ang e-governance lalot may kinakaharap na pandemya ang bansa sa COVID-19.
Bukod dito, sinabi ni Go na malalabanan pa ang red tape o korupsyon sa pamahalaan.
“Having a transparent, efficient and responsive delivery of government services is key to reducing corruption and empowering the people to exact accountability from public servants,” pahayag ni Go.
“Hindi lamang po malaki ang magiging papel ng e-governance na maka-adapt ang bansa sa pagdating ng ‘new normal’, mas mapapabilis din po nito ang mga proseso at transaksyon sa gobyerno towards a ‘better normal’ when it comes to government service delivery,” dagdag ni Go.
Mas magiging epektibo aniya ang paghahatid ng serbisyo sa mga tao at mas magiging komportable ang pang-araw araw na transaksyon sa gobyerno.
“Bukod sa iniiwasan natin ang face-to-face transactions ngayon dahil COVID-19, mababawasan rin ang personal interaction na madalas nagiging sanhi ng red tape at korapsyon sa gobyerno,” dagdag ni Go.