Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, halos 16.2 milyon na

Sumampa na sa halos 16.2 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 16,203,478 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 4,315,709 cases.

Sumunod na rito ang Brazil na may 2,396,434 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 1,385,494 naman ang kaso sa India habang 806,720 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– South Africa – 434,200
– Mexico – 385,036
– Peru – 379,884
– Chile – 343,592
– Spain – 319,501
– United Kingdom – 298,681
– Iran – 288,839
– Pakistan – 273,112
– Saudi Arabia – 264,973
– Italy – 245,864
– Colombia – 240,795
– Turkey – 225,173
– Bangladesh – 221,178
– Germany – 206,332

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 648,453 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 9,914,013 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...