21,858 preso, nakalaya na – BJMP

Aabot nasa 21,858 na preso sa Burrau of Jail Management and Penology ang nakalaya na.

Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, sa naturang bilang, 15,102 ang nakalaya sa pamamagitan ng mababang piyansa, plea bargaining, parole o probation.

Sinabi pa ni Malaya na sa naturang bilang, 622 ang may sakit, 409 naman ay mga matatanda na o elderly, habang 24 naman ang buntis.

Malaki aniya ang pasasalamat ng DILG sa Korte Suprema dahil sa mas pinadali na ang proseso ng pagpapalaya sa mga bilanggo.

Target kasi aniya ng DILG na maging maluwag na ang kulungan at ma decongest lalot may kinakahharap na pandemya ang bansa sa COVID-19.

“At nagpapasalamat po tayo sa Supreme Court sa kanilang inilabas na mga bagong pamantayan or guidelines para nga po mapabilis ang pagri-release natin sa mga nakakulong. Alam naman po natin ang congestions sa ating mga kulungan kaya po nakatutok ang DILG at BJMP sa lahat ng aming district jails sa buong bansa para nga po maibsan ang congestion sa loob ng ating mga kulungan,” pahayag ni Malaya.

Read more...