Pangulong Duterte, may final rehearsal pa mamayang gabi para sa SONA

May final rehearsal pa mamayang gabi si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, July 27.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, makakasama ng Pangulo sa rehearsal si Direk Joyce Bernal.

Ito na aniya ang ikatlong beses na magpa-praktis ang Pangulo.

Nagkaroon na kasi aniya ng rehearsal ang Pangulo noong Biyernes ng gabi at Sabado ng gabi.

May mga pina-edit aniya ang Pangulo sa kanyang speech.

Hindi naman tinukoy ni Andanar ang laman ng SONA ng Pangulo pero ang tiyak ay tatalakayin ng punong ehekutibo kung saan dadalhin ang bansa sa susunod na dalawang taon lalot may kinakaharap na pandemya sa COVID-19.

Read more...