Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, kung hindi sa Batasang Pambansa sa Quezon City, maaaring sa Rizal Hall na lamang sa loob ng Palasyo ng Malakanyang gawin ang SONA ng Pangulo.
Pinag-uusapan aniya sa Palasyo na same-day COVID swabbing ang gagawin sa mga bisitang dadalo sa SONA ng Pangulo.
Ibig sabihin, sa Lunes na o sa mismong araw ng SONA gagawin ang COVID-19 swabbing sa mga bisita ng Pangulo.
Kapag aniya may nagpositibo sa COVID-19, malaki ang tsansa na sa Malakanyang na lang gawin ang SONA.
“Actually, ang usapan ay same day, same day swabbing. Kasi mayroong swabbing na 45 minutes ay malalaman mo na ang resulta. So kung mayroong magpositibo, malaki ang pagkakataon na ito ay ilipat na lamang sa Option B – diyan na lang sa Rizal Hall,” pahayag ni Andanar.
Nakahanda na rin naman aniya ang Presidential Security Group sa Plan B.
“Ang maaapektuhan lang kasi kapag nalipat doon sa Malacañang ay siyempre liliit iyong numero ng makakadalo. So imbes na 25-25 – 25 from the Senate tapos mayroon ding 25 na halu-halo na congressman at mga ilang mga Cabinet members kasi hindi naman lahat ng Cabinet members ay makaka-attend din sa dami din – ay kukonti pa ang makakadalo kung sa Rizal Hall gagawi,” pahayag ni Andanar.