Nagpositibo sa corona virus disease o COVID-19 si Sulu 1st District Rep. Samier Tan.
Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis G. Montales, asymptomatic at naka-home quarantine sa lalawigan ng Sulu ang kongresista.
Huli anyang nagtungo sa Kamara si Tan noong May 18.
Bukod kay Tan sabi ni Montales, positibo rin sa COVID-19 ang isang babaeng consultant ng hindi pinangalanang kongresista.
Nagkaroon anya ng lagnat ang consultant dahilan upang magpa COVID-19 test ito at lumabas na positibo sa sakit.
Sa ngayon anya ay asymptomatic na ito at nasa home isolation.
Huling nagtungo sa Kamara ang babaeng consultant noong July 14 at 15 kung saan mag-isa itong nagtrabaho sa kanilang opisina.
Nagtungo rin ito sa bangko sa loob ng Batasan Complex noong Huly 15.
Ayon kay Montales, nagsasagawa na ngayon ng contract tracing sa mga nakasalamuha nito.
Samantala, isang Committee Publication Staff Writer ng Kamara ang nagpositibo tin sa COVID-19.
Ang babaeng kawani ayon kay Montales at huling pumasok sa trabaho noong July 8 kung saan wala itong nakasalamuha sa kanilang opisina.
Nagpa COVID-19 test anya ito matapos magkaroon ng lagnat at sipon.
Sa kasalukuyan ay naka-home quarantine na ang nasabing empleyado.
Dahil dito umakyat na sa 22 ang positibong kaso ng COVID-19 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan tatlo sa mga ito ang nasawi.
Ihinayag naman ni Montales na negatibo na sa sakit ang kanilang empleyado mula sa Internal Audit Department has now tested negative.