Operasyon sa BI Intramuros office, suspendido mula July 27 hanggang 28

Pansamantalang isusupinde ang operasyon ng Intramuros office ng Bureau of Immigration simula sa July 27.

Ayon sa ahensya, ito ay bunsod ng isasagawang disinfection at sanitation sa opisina.

Tatagal ang suspensyon ng operasyon hanggang July 28.

“All subport offices, with minimal skeletal deployment essential to effectively and efficiently carry out their respective offices’ daily operations, may accommodate your urgent transactions,” ayon pa sa BI.

Magbabalik-normal naman ang operasyon sa Miyerkules, July 29.

Read more...