Sa datos ng kagawaran hanggang July 24, nasa kabuuang 1,383,178 health workers ang ridership ng programa.
Sa nasabing bilang, 405,895 ang total ridership sa National Capital Region-Greater Manila habang 977,283 naman sa iba pang rehiyon.
Samantala, sa datos naman ng Road Sector, umabot na sa 115 vehicle units ang naka-deploy para sa libreng sakay program hanggang July 24.
Katuwang ng DOTr sa naturang programa ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Katuwang din ng DOTr sa programa ang oil companies tulad ng Phoenix Petroleum, CleanFuel, at Petron sa pagbibigay ng fuel subsidy sa transport companies na kasama sa programa.