Bilang ng pulis na nagpositibo sa COVID-19, 1,796 na

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Biyernes ng gabi (July 24), 1,796 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

720 pulis ang itinuturing na probable cases habang 2,479 ang suspected cases.

Umabot naman sa 689 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Habang 10 na ang pulis na pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

 

 

 

Read more...