Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 882

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Huwebes, July 23) , nadagdagan ng 27 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 882.

Ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nadagdagan ng 2 kaya umabot na ito sa 124.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 1,718 kung saan nakapagtala ng 53 bagong kaso.

 

Read more...