Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), hanggang araw ng Biyernes, July 24 ay umabot na sa P31.4 bilyon ang halaga ng na-disburse na pondo para sa 2nd tranche ng SAP.
Ang nasabing halaga ay naipamahagi sa 5,005,385 na pamilyang benepisyaryo.
Una nang sinabi ni DSWD Sec. Rolando Bautista na batay sa mga aral na natutunan sa unang pamamahagi ng SAP ay isnayos ng ahensya ang sistema.
Kabilang sa pagbabago ay ang pagkakaroon na ng digital payment sa pamamahagi ng SAP.
MOST READ
LATEST STORIES