Kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City 1,029 na

Mayroong 47 pang bagong kaso ng COVID-19 ang napaulat sa Muntinlupa City

Dahil dito, 1,029 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang alas 6:30 Biyernes ng gabi (July 24), sa nasabing bilang ay 351 ang aktibong kaso.

631 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 565 ang suspected cases.

Samantala, 461 na residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 70 naman ang nasawi.

Pinakamaraming kaso ay sa Brgy. Putatan na mayroong 123 na active cases.

Read more...