Ayon kay House of Representatives Secretary General Atty. Jose Luis Montales, pinakahuli rito ang isang kawani na nakatalaga sa Procurement and Supply Management Service.
Ngayong araw anya lumabas na positibo sa COVID-19 ang empleyado.
Huling pumasok sa trabaho ang empleyado noong July 20, 2020 pero matapos ang dalawang oras ay umuwi rin makaraang makaranas ng clogged nose.
Sa ngayon anya ay naka home quarantine ang pasyente habang nagsasagawa na rin ng contact tracing.
Samantala, negatibo na sa sakit ang isang kawani ng Kamara na nakatalaga sa Committee on Justice.
MOST READ
LATEST STORIES