QC LGU itinigil ang pagproseso sa mga permit para sa public assemblies

Hindi muna magpoproseso ang Quezon City Local Government Unit ng permit para sa pag-organisa o pagsasagawa ng public assemblies.

Pahayag ito ng QC LGU bilang pagtalima sa utos ng Department of Interior and Local Government na nagbabawal pa din sa pagsasagawa ng anumang mass gathering.

Ayon sa lokal na pamahalaan, wala na munang papayagan na mag-organisa ng mga pagtitipon na dadaluhan ng maraming indibidwal.

“The Quezon City Government, thru the City Legal Department, would like to inform the public that all applications for permits to organize or hold public assemblies shall not be processed,” ayon sa pahayag.

Ayon pa sa pahayag, kung mayroong permit na hindi naaksyunan sa loob ng dalawang araw at “deemed issued” na ay ipawawalang bisa na rin.

 

 

 

Read more...