Xander Ford sinuspinde ng Star Image

Pinatawan ng indefinite suspension ng Star Image si Xander Ford.

Sa post sa Facebook page ng Star Image.

Kamakailan, inilantad ni Xander Ford ang pagiging bisexual niya.

Ipinakita pa niya ang mga larawan kasama ang kaniyang boyfriend.

Ayon sa Star Image inirerespeto nila ang pasya ni Xander Ford sa kaniyang sekswalidad.

Pero mayroon umanong kasong kriminal si Xander Ford na nakabinbin sa korte at nagpasya ang management na patawan siya ng indefinite suspension.

Mananatili ang suspensyon kay Xander nang walang sweldo hanggang sa siya ay mapawalang sala.

Pero kung mahahatulan sa kaniyang kaso, mapapatawan si Xander ng termination at maari pang mapagmulta dahil sa breach of contract.

 

 

 

 

 

Read more...