Ayon kay Taduran, kailangang mailagay sa tamang pasilidad ang mga pasyenteng may COVID-19.
Dahil dito, iminungkahi ng mambabatas na mailipat sa mga ospital sa labas ng Metro Manila na may kapasidad ang mga pasyenteng hindi na matanggap sa mga ospital sa NCR dahil sa puno na ang bed capacity nito.
Bukod dito, hindi na aniya kakayanin ng mga healthcare workers sa Metro Manila ang mga dumaraming pasyente sa kanilang ospital .
Sabi ni Taduran, “Kung wala nang available rooms sa hospitals sa Metro Manila, bakit hindi natin dalhin ang mga pasyente sa ospital sa labas ng NCR? Gamitin ang One Hospital system ng DOH para malaman kung saan puwedeng dalhin ang mga pasyente. Hindi rin puwedeng magdagdag lang ng Covid beds ang Metro Manila hospitals pero hindi naman nila madagdagan ang mga healthcare workers.”
Marami na anya siyang natatanggap na ulat na may mga pasyente na may malalang kondisyon ang naghihintay sa Emergency Rooms o kaya ang mas Malala pa ay kahit sa ER ay hindi man lang makapasok.
“I have heard of severely ill patients waiting in the Emergency Room for days because Covid rooms or the ICU are full. Some are even forced to wait at home even if they need to be attended to in a hospital. Ang iba nga raw, kung walang kakilala sa ospital, hindi talaga maipapasok kahit sa emergency room,” dagdag pa ni Taduran.
Kaugnay nito, hiningi ng lady solon ang kooperasyon ng mga pinuno ng local government units sa mga lugar ng ospital na paglilipatan ng mga pasyente.
Nagpahayag din ito ng pagkabahala sa umuunting suplay ng mga ganot at dugo para sa mga pasyenteng nasa ospital ngayon.