Water level ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 183.75 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (July 24) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 183.88 meters.

Nanatili naman ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 98.91 meters ngayong umaga habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay bahagyang nadagdagan na nasa 77.74 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 77.69 meters.

Samantala, nabawasan naman ang water level ng San Roque, Pantabangan at Magat dams habang nadagdagan ang tubig sa Ambuklao at Binga dams at nanatili naman sa 287.68 meters ang antas ng tubig ng Caliraya dam.

 

 

Read more...