Mapanas, Northern Samar muling niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Northern Samar.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 39 kilometers northeast ng bayan ng Mapanas, alas-5:28 madaling araw ng Biyernes (July 24).

May lalim na 16 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Nauna ng niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang Mapanas, Northern Samar kaninang alas-3:06 ng madaling araw.

 

 

 

 

Read more...