Ayon kay Gordon, nagkaisa ang mga miyembro ng Blue Ribbon Committee at Committee on Justice, na kapwa niya pinamumunuan, na dapat manatili sa pambansang piitan si Baloyo.
Ipinakulong ng komite ni Gordon sa Bilibid si Baloyo dahil sa hindi pagsasabi ng buong katotohanan sa mga pagdinig ukol sa isyu ng ‘ninja cops,’ na kinasangkutan din ni dating PNP Chief Oscar Albayalde.
Katuwiran ng senador, kung kailangang paharapin si Baloyo sa korte, pinapayagan naman na ang ‘video conferencing.’
Magugunitang sa pag-iimbestiga sa Senado ng good conduct time allowance (GCTA) sa Bilibid ay natalakay ang operasyon ng ‘ninja cops.’