Sen. Go, pinuna ang ‘overcharging’ ng mga ospital sa mga gamot

Nanawagan si Senator Christopher Go sa Department of Health o DOH at iba pang ahensya ng gobyerno na tiyakin na may sapat na suplay ng mga murang gamot para sa mamamayan.

Ayon kay Go, nakarating sa kanya ang mga ulat na may ospital na sobra ang singil sa kanilang mga gamot kayat hinihikayat niya ang mga biktima na magreklamo at panawagan niya rin sa DOH na agad mag-imbestiga.

“Hindi tayo dapat pumayag na pagsamantalahan ng iilan ang sitwasyon kung saan ang mga mahihirap ay namamatay nalang dahil hindi makabili ng gamot. Dapat pantay-pantay at hindi lang ang mga may kaya sa buhay ang makakabili ng mga gamot na kailangan upang gumaling,” ayon sa namumuno sa Senate Committee on Health.

Paliwanag nito, wala nang nagagawa ang mga pasyente kundi bayaran na lang ang mga mahal na gamot.

Hinikayat niya ang pagsusuri sa listahan ng Maximum Drug Retail Price ng ilang gamot base sa Cheaper Medicines Act of 2008 at sa EO 104 ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang Pebrero.

Read more...