Operasyon ng DFA consular office sa NCR-West, pansamantalang sinuspinde

Pansamantalang sinuspinde ang Department of Foreign Affairs (DFA) Consular Office sa NCR West sa bahagi ng SM Manila sa Huwebes, July 23, hanggang Biyernes, July 24.

Ayon sa kagawaran, ito ay dahil magsasagawa ng disinfection sa nasabing opisina sa gitna ng banta ng COVID-19.

Pinayuhan ang mga aplikante na may schedule o appointment sa nasabing petsa na maaari silang ma-accommodate mula Sa Lunes, July 27, hanggang August 14 tuwing regular office hours.

Humingi naman ng pang-unawa ang DFA sa publiko.

Read more...