Ilang lalawigan sa Luzon, uulanin sa susunod na mga oras

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 12:55 ng tanghali, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Tarlac, Cavite at Bulacan.

Maaapektuhan din ang Candelaria, Zambales; Santo Tomas at Tanauan, Batangas.

Uulanin din ang Los Baños, Bay, Calauan, Alaminos, San Pablo, at Rizal sa Laguna; Dolores, Unisan, Tagkawayan at Polilio sa Quezon.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...