San Felipe, Zambales niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Zambales.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 31 kilometers southwest ng bayan ng San Felipe, alas-12:41 tanghali ng Huwebes (July 23).

May lalim na 16 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...