NBA G League may welcome message para kay Kai Sotto

Tumanggap ng special package mula sa NBA G League si Kai Sotto.

Sa kaniyang Instagram ibinahagi ni Sotto ang video habang binubuksan ang kahon na naglalaman ng G League merchandise.

Ibinahagi din ni Sotto ang mensahe sa kaniya ni G League Commissioner at dating NBA All-Star Shareef Abdur-Rahim.

Binati ni Abdur-Rahim si Sotto sa accomplishments nito bilang isa sa mga top rated player ngayong taon.

Tinawag din ni Abdur-Rahim si Sotto na “best young player from Asia”.

Nagpasalamat naman si Sotto sa NBA G League.

 

 

Read more...