Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 224 na bagong kaso ng sakit kahapon.
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 14,431 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 7,069 na lang ang aktibong kaso.
Umabot naman na sa 706 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.
Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 207 dahilan para umabot na sa 6,473 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 8,377 cases.
Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:
Cebu Province – 2,755
Mandaue City – 1,580
Lapu-Lapu City – 1,562
Negros Oriental – 85
Bohol – 72
Siquijor – 0