Bilang ng pulis na nagpositibo sa COVID-19, 1,643 na

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (July 22), 1,643 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

725 pulis ang itinuturing na probable cases habang 1,789 ang suspected cases.

Umabot naman sa 612 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Nasa siyam pa rin ang pulis na pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...