High-value target sa Cebu City, timbog; P340,000 halaga ng shabu, nasabat

Nasamsam ng mga otoridad ang P340,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Cebu City, Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Central Visayas (PDEA RO7), ikinasa ang buy-bust operation sa bahagi ng Barangay Kinasang-an bandang 3:15 ng hapon.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto kay Nandino Arriesgado alyas “Dino,” 42-anyos na residente ng nasabing barangay.

Si Arriesgado ay itinuturing na high-value target ng mga otoridad.

Nakuha sa suspek ang dalawang pack ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 50 gramo at ginamit na buy-bust money.

Kasong paglabag sa Section 5, Article 2 ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa suspek.

Read more...