LPA sa loob ng bansa, wala pang direktang epekto sa bansa – PAGASA

Photo grab from DOST PAGASA website

May isang binabantayang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA.

Sinabi ni PAGASA weather specialist Chris Perez na huling namataan ang LPA sa layong 760 kilometers Silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur bandang 3:00 ng hapon.

Wala pa aniya itong direktang epekto sa anumang parte ng bansa.

Ngunit sa susunod na 24 oras, posibleng makaapekto na ang LPA ang ilang bahagi ng bansa.

Wala naman din aniyang nakataas na gale warning.

Read more...