Chinese citizen, nandupang ng P600,000 sa kababayan, huli

Ipinaaresto ng isang Chinese citizen ang isa niyang kababayan dahil sa hindi pagbigay ng ipinagkatiwalang pera sa kanya sa Pasay City.

Sinabi ni Li Lu Lin, 28-anyos, turista at pansamantalang nanunuluyan sa Solemare Park Suite sa Macapagal Blvd., Paranaque City, ibinigay niya sa suspek na si Li Bo Yin, 40-anyos ng Barangay 193, Pasay City ang P600,000.

Pinakiusapan ni Li si Li na ipalit sa Chinese yuan ang pera gamit ang Allpay account nito.

Hindi na ibinalik ng suspek sa kanyang kababayan ang pera kayat nagsumbong na ang biktima sa pulis para maaresto si Li.

Nakatakas naman ang sinasabing kasabwat ng suspek.

Read more...