Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON, pumalo na sa mahigit 5,000

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (July 22, 3:00 PM) nakapagtala ng 173 na bagong kaso kaya pumalo na sa 5,052 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 1,009
Laguna – 1,774
Batangas – 770
Rizal – 1,243
Quezon – 256

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 2,898.

Nasa 1,895 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 48 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 333
Laguna – 566
Batangas – 329
Rizal – 483
Quezon – 184

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan nang tatlo kaya umabot na sa 259 ng bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 53
Laguna – 58
Batangas – 39
Rizal – 95
Quezon – 14

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

Read more...