280 laptops, ipinamigay sa public school teachers sa Makati

Makakatanggap ng laptop ang mga public school teacher sa Lungsod ng Makati.

Ayon kay Mayor Abby Binay, dumating na ang mga bagong laptop, araw ng Miyerkules, July 22.

Ang inisyal na 280 laptops ay naipamahgi na sa mga bagong tanggap na public school teachers sa Makati High School.

Tiniyak naman ng alkalde na lahat ng public school teachers ay makakatanggap ng laptop.

“Don’t worry, lahat po makakatanggap. All elementary, junior and senior high school public school teachers will receive their laptops by October, in time for World Teacher’s Day,” pahayag ni Binay.

Read more...