Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 5,458 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Miyerkules ng umaga (July 22).
Sa nasabing bilang, 5,383 ang DOH confirmed cases na may kumpletong address.
5,358 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 2,094 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
2,989 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 275 ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 3,867 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES