EDSA celebration, mapayapa-NCRPO

 

Naging mapayapa sa pangkalahatan ang isinagawang selebrasyon ng ika-30 taong anibersaryo ng EDSA people power revolution.

Sa panayam kay NCRPO Chief Police Director Joel Pagdilao, sinabi nitong wala silang naitalang anomang insidente ng karasahan sa buong panahon na isinasagawa ang programa sa People Power monument.

Bagaman mayroon pa rin nagsagawa ng kilos protesta sa bahagi ng Ortigas, hindi naman umano ito nakaapekto sa pagtitipon.

Sa pagtaya ng NCRPO, nasa isang daang katao lamang ang mga raliyista na mula sa ibat ibang cause-oriented groups ang nagpakita kanina.

Nasa apat na libo naman ang ipinakalat ng NCRPO para magbantay sa seguridad mula sa bahagi ng Cubao hanggang sa may Ortigas at Pasig.

Muling sinariwa ng mga dumalo sa okasyon ang mga kaganapan sa EDSA may 30 taon na ang nakalilipas.

Read more...