Paglipad ng mga air assets sa EDSA hindi papogi lang ayon sa AFP

FA-50s
PAF photo

Hindi umano pagpapakitang gilas lamang ng mga modernong eroplanong pandigma ng Pilipinas sa bahagi ng EDSA People Power Monument ang nasaksihan kanina.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, isang pagsasanay din o training ang ginawang paglipad ng mga sasakyang panghimpapawid ng militar sa ginawang programa sa EDSA.

Anya, layunin nito na mapahusay pa ang kakayahan ng mga piloto sa pagpapalipad ng mga bagong eroplano at helicopter ng bansa.

Kanina, 28 air assets ng air force ang nag fly-by sa bahagi ng EDSA, dalawa sa mga ito ang brand new fighter jets ng bansa na binili sa South Korea.

Dalawang UH-1H choppers naman ang nagsagawa ng confetti drop sa oras ng reenactment ng salubungan sa harap ng people power monument.

Ipinakita rin ang iba pang mga bagong choppers ng Philippine Air Force.

Read more...