Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina 629 na

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Miyerkules, July 22) pumalo na sa 629 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus kung saan nakapagtala ng anim na bagong kaso.

Sa nasabing bilang, 266 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay nanatili sa 34.

Ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit ay nasa 329 na.

Read more...