NCR at ilang lalawigan sa Luzon, uulanin pa rin

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 3:43 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Batangas at Rizal.

Maaapektuhan din ang Tagkawayan, Gumaca, Pitogo at Unisan sa Quezon.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...