Magnitude 7.8 na lindol, tumama sa Alaska

Niyanig ng malakas na lindol ang Alaska, Miyerkules ng hapon.

Sa datos ng U.S. Geological Survey, namataan ang episentro ng lindol sa layong 105 South Southeast ng Perryville.

Tumama ang malakas na lindol sa Timog na bahagi ng Alaska Peninsula bandang 6:12 ng umaga o 2:12 ng hapon (oras sa Pilipinas).

May lalim ang lindol na 28 kilometers.

Sinabi ng USGS na asahang makakaranas pa ng aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...