KidZania Manila, magpapatupad na ng tigil-operasyon sa August 31

Magpapatupad na ang KidZania Manila ng tigil-operasyon sa ika-31 sa buwan ng Agosto.

Ito ang napagdesisyunan ng Play Innovations Inc. matapos ang limang taong pagbibigay ng learning experience sa mga bata.

Sinabi ng kumpanya na nagkaroon ng malaking epekto sa kanilang kita ang suspensyon ng operasyon bunsod ng COVID-19.

“Even if we are allowed to operate in the future, the “new normal” will prohibit mass gathering and require children to remain at home. These conditions have left us with no choice but to close the play city’s doors permanently,” pahayag nito.

Tiniyak naman ng kumpanya ang pagbibigay ng tulong sa kanilang mga empleyado na mawawalan ng trabaho.

“We are doing everything we can to aid them at this time of uncertainty, including paying out severance benefits as mandated by law and providing job placement programs for them,” dagdag pa nito.

Read more...