Halos 10,000 pasahero, naserbisyuhan ng Bus Augmentation Program ng MRT-3

Umabot sa halos 10,000 pang pasahero ang naserbisyuhan ng MRT-3 Bus Augmentation Program.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, nasa 9,668 na pasahero ang naserbisyuhan ng naturang proyekto sa araw ng Martes, July 21.

Nasa 80 bus units pa rin ang nai-deploy sa nasabing petsa.

Nagsisimula ang biyahe bandang 4:00 ng madaling-araw hanggang 9:00 ng gabi.

Narito ang mga sumusunod na bus stop:

Southbound:
North Avenue (Loading only)
Quezon Avenue (Loading/Unloading)
Ortigas (Unloading only)
Guadalupe (Unloading only)
Ayala (Unloading only)
Taft Avenue (Unloading only)

Northbound:
Taft Avenue (Loading only)
Ayala (Loading and Unloading)
Guadalupe (Unloading only)
Ortigas (Unloading only)
Quezon Avenue (Unloading only)
North Avenue (Unloading only)

Istrikto namang ipinatutupad ang 3-minute regular dispatch schedule sa mga bus.

Read more...