12 pang kaso ng COVID-19, napaulat sa Valenzuela City

Nasa 12 pang residente sa Valenzuela City ang nagpositibo sa COVID-19.

Batay sa lumabas na 26 resulta mula sa Singapore Diagnostics Laboratory, apat ang positibo at 14 ang negatibo.

Walo naman ang nagnegatibo sa retest.

Sa 138 resulta naman mula sa Hi-Precision Diagnostics Laboratory, walo ang bagong tinamaan ng nakakahawang sakit habang 95 ang negatibo.

Nasa 18 naman ang nagpositibo sa retest at 17 ang negatibo.

Sinabi rin ng Valenzuela City govenment na 25 ang bagong napaulat na gumaling sa COVID-19.

Read more...