India, nakapagtala ng higit 37,000 pang kaso ng COVID-19

Nasa 37,724 ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa datos ng health ministry sa India hanggang 8:00 ng umaga (July 22), pumalo na sa 1,192,915 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 411,133 pa ang aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 28,472 ang mga gumaling.

Dahil dito, 753,050 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa India.

Umakyat naman sa 28,732 ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...