Cebu City posibleng maisailalim na lang sa GCQ simula sa Agosto

Posibleng isailalim na sa general community quarantine sa Cebu City simula sa August 1.

Ayon ito kay Environment Secretary Roy Cimatu, ang overseer ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa Cebu.

Ayon kay Cimatu, nagsasagawa ngayon ng extensive contact tacing sa Cebu City.

Inaasahan aniyang sa susunod na linggo ay bababa na ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sa ilalim ng GCQ ay mabibigyang pagkakataon na ang pagbubukas ng ilang mga negosyo.

 

 

Read more...