Ayon sa Department of Tranportation (DOTr) Road Sector ang mga bicycle racks sa mga istasyon ng MRT-3 ay magagamit ng libre ng mga pasahero.
Target na makapaglagay ng kabuuang 34 bike racks sa lahat ng istasyon ng MRT-3 mula North Avenue station hanggang Taft Avenue station (both bounds).
Sa ngayon, mayroon nang tig-isang bicyle rack sa mga istasyon ng North Avenue, Quezon Avenue at GMA-Kamuning (lahat ay nasa Northbound).
“Sinusuportahan ng MRT-3 ang inisyatibo ng DOTr na i-promote ang active transportation at makapagbigay ng maginhawa at ligtas na biyahe para sa mga pasahero. Kami ay magpapatuloy sa paglalagay ng mga karagdagang bike racks sa mga susunod na lingo,” ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael J. Capati.
Maaaring magamit ng mga pasahero ng libre ang mga bike racks araw-araw, sa oras ng revenue hours ng MRT-3.
Ang isang bicycle rack ay kayang maglagay ng limang bisikleta.
Pinapaalalahanan ng pamunuan ng MRT-3 ang mga gagamit ng libreng bike racks na iwasan ang pag-iwan ng mga mahahalagang gamit at maging maingat sa tuwing gagamit nito dahil hindi pananagutan ng MRT-3 ang anumang bagay na mawawala o masisira.