Sarangani, Davao Occidental muling niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 333 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-5:33 madaling araw ng Miyerkules (July 22).

May lalim na 80 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Nauna ng niyanig ng mas malakas na magnitude 3.8 ang Sarangani, Davao Occidental kaninang alas-3:48 ng madaling araw.

 

 

Read more...