Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 307 na bagong kaso ng sakit kahapon.
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 14,209 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 7,052 na lang ang aktibong kaso.
Umabot naman na sa 684 ang nasawi sa COVID-19 sa Central Visayas.
Nakapagtala naman ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 207 dahilan para umabot na sa 6,473 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 8,302 cases.
Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:
Cebu Province – 2,660
Mandaue City – 1,555
Lapu-Lapu City – 1,539
Negros Oriental – 82
Bohol – 71
Siquijor – 0