Clearance operation ng NBI, suspendido muna simula July 22

Isususpinde muna ang Clearance operation sa National Bureau of Investigation (NBI) Clearance Center simula sa araw ng Miyerkules, July 22.

Ayon sa NBI, layon nitong bigyang-daan ang isasagawang disinfection sa lugar.

Tatagal ang suspensyon ng nasabing operasyon hanggang sa araw ng Biyernes, July 24.

Inabisuhan naman ang mga aplikante na may scheduled appointment sa mga nasabing petsa na pumunta sa pinakamalapit na Satellite Office.

Magbabalik naman sa normal ang operasyon ng NBI Clearance Center sa araw ng Lunes, July 27.

Read more...