COVID-19 cases sa Muntinlupa City, 902 na

Nasa 902 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 6:00, Martes ng gabi (July 21), sa nasabing bilang ay 439 ang aktibong kaso.

355 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 408 ang suspected cases.

Samantala, 401 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 62 naman ang nasawi.

Read more...