Binabantayang LPA, nalusaw na

Photo grab from DOST PAGASA website

Nalusaw na ang binabantayang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA.

Sinabi ni PAGASA weather specialist Benison Estareja na nalusaw ang LPA na nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone bandang 2:00 ng hapon.

Tanging ITCZ na lamang aniya ang umiiral o nakakaapekto sa bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Ani Estareja, asahan pa ring ang malalakas na pag-ulan sa ilang lugar.

Partikular na binanggit nito ang Visayas, MIMAROPA, Bicol Region, Quezon, Northern Mindanao, at Zamboanga Peninsula sa susunod na 12 oras.

Read more...