Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina, 623 na

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Martes, July 21) pumalo na sa 623 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus kung saan nakapagtala ng siyam na bagong kaso.

Sa nasabing bilang, 262 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay nanatili sa 34.

Ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit ay nasa 327 na.

Read more...